Mga Bayarin
Protektahan ang Iyong Sarili Laban sa Mga Scam
Susubukan ng mga scammer na kunin ang iyong pera o pribadong impormasyon. Maging alerto at protektahan ang iyong sarili sa pagkaka-scam at alamin ang mga sumusunod:
- Ang programang Healthy San Francisco (HSF) ay hindi kailanman tatawag o hihingi sa iyo ng pera. Kung makakatanggap ka ng anumang mensaheng katulad nito, tawagan ang Serbisyo sa Customer ng Healthy San Francisco para iulat ito sa: 1(415) 615-4555.
-
Para sa mga bayarin ng kalahok, tumatanggap ang Healthy San Francisco ng:
- Mga personal na tseke
- Mga money order
- Mga online na pagbabayad na isinagawa sa pamamagitan ng portal ng pagbabayad ng Healthy San Francisco Mangyaring mag-click dito para sa mga tagubilin sa pagbabayad sa pamamagitan ng tseke.
-
Ang Healthy San Francisco ay hindi tumatanggap ng mga pagbabayad gamit ang:
- Venmo
- Zelle
- Iba pang paraan ng pagbabayad
May mga tanong o alalahanin tungkol sa iyong bayarin ng kalahok o kung paano magbayad?
Mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer ng HSF sa1(415) 615-4555,
Mga Bayarin ng Kalahok
Posibleng kailanganin mong magbayad para sa iyong saklaw sa kalusugan. Nakabatay ang bayarin ng kalahok ng HSF sa isang “sliding scale.” Nangangahulugan itong nakabatay ang halaga ng bayarin ng kalahok sa iyong kita. Sa madaling salita, mas maliit ang babayaran mo kung mas mababa ang kita mo. Kung mas malaki ang kinikita mo, mas malaki ang babayaran mo.
Gamitin ang chart sa ibaba para malaman kung posibleng kailanganin mong magbayad ng bayarin ng kalahok. Ang eksaktong halaga, kung mayroon man, ay kakalkulahin ng Sertipikadong Tagatulong para sa iyo kapag pinunan mo ang iyong aplikasyon.
| Buwanang Kita ng Pamilya ng Kalahok | |||||
|---|---|---|---|---|---|
| Laki ng Sambahayan | 0% – 100% of FPL | 101% – 200% of FPL | 201% – 300% of FPL | 301% – 400% of FPL | 401% – 500% of FPL |
| 1 | $0 – $1,330 | $1,331 – $2,660 | $2,661 – $3,990 | $3,991 – $5,320 | $5,321 – $6,650 |
| 2 | $0 – $1,804 | $1,805 – $3,608 | $3,609 – $5,410 | $5,411 – $7,216 | $7,217 – $9,017 |
| 3 | $0 – $2,277 | $2,278 – $4,554 | $4,555 – $6,830 | $6,831 – $9,108 | $9,109 – $11,384 |
| 4 | $0 – $2,750 | $2,751 – $5,500 | $5,501 – $8,250 | $8,251 – $11,000 | $11,001 – $13,750 |
| 5 | $0 – $3,224 | $3,225 – $6,448 | $6,449 – $9,670 | $9,671 – $12,896 | $12,897 – $16,117 |
| 6 | $0 – $3,697 | $3,698 – $7,394 | $7,395 – $11,090 | $11,091 – $14,788 | $14,789 – $18,484 |
| 7 | $0 – $4,170 | $4,171 – $8,340 | $8,341 – $12,510 | $12,511 – $16,680 | $16,681 – $20,850 |
| 8 | $0 – $4,644 | $4,645 – $9,288 | $9,289 – $13,930 | $13,931 – $18,576 | $18,577 – $23,217 |
| Mga Bayarin ng Kalahok Kada Tatlong Buwan (Binabayaran nang Apat na Beses sa Isang Taon kada Indibidwal) | |||||
| Bayarin ng Kalahok Kada Tao Tuwing Tatlong Buwan | $0 | $60 | $150 | $300 | $450 |
(Batay sa FPL noong Marso 2025, maaaring magbago)
*Ang FPL ay ang Federal Poverty Level
Sa oras na sumali ka sa HSF, magagamit mo na ang lahat ng serbisyo namin. Sa ilang sitwasyon, maaaring makakuha ka ng pangangalaga bago mo bayaran ang una mong bayarin ng kalahok.
Tawagan ang Serbisyo sa Customer ng HSF kung magbabago ang iyong kita o laki ng pamilya pagkatapos sumali sa HSF. Ang bagong impormasyong ito ay maaaring magpataas o magpababa ng iyong Mga Bayarin ng Kalahok. Halimbawa, maaaring bumaba ang iyong bayarin sa pakikilahok kung mayroon kang bago at mas mababang kita. Maaari ring bumaba ang halaga ng iyong bayarin kung mas maraming tao ang nakatira sa iyong sambahayan.
Mga Bayarin Kung Saan Ipinagkakaloob ang Serbisyo (Point of Service o POS)
Bukod pa sa bayarin ng kalahok, maaari kang magbayad ng bayarin Kung Saan Ipinagkakaloob ang Serbisyo (POS). Sinisingil ang POS na bayarin sa iyong klinika tuwing nakakatanggap ka ng pangangalaga. Halimbawa, magkakaroon ng bayarin tuwing bibisita ka sa doktor, pupunta sa emergency room, o kukuha ka ng reseta.
Nakadepende ang halaga ng POS na bayarin sa:
- Ang Iyong Medical Home
- Ang iyong kita ng sambahayan
- Kung ang iyong kita ay mas mababa sa isang partikular na halaga, hindi ka magbabayad ng POS na bayarin para sa karamihan ng mga serbisyo
Mga POS na Bayarin ng SF Department of Public Health (DPH)
Ang mga Medical Home na nakikipagtulungan sa San Francisco Department of Public Health (DPH) ay mangongolekta ng mga POS na bayarin mula sa Mga Kalahok ng Healthy San Francisco ayon sa sumusunod na iskedyul:
| Laki ng Sambahayan | 0% – 100% of FPL | 101%-200% FPL | 201%-500% FPL |
|---|---|---|---|
| Pangunahin | $0 | $10 | $10 |
| Agaran | $0 | $20 | $20 |
| Ancil / Rad / PT / OT | $0 | $20 | $20 |
| Espesyalidad | $0 | $20 | $20 |
| Botika | $0 | $5 / $25 | $5 / $25 |
| ER | $0 | $25* | $25* |
| Operasyon sa Mismong Araw | $0 | $100 | $100 |
| Inpatient | $0 | $200 / admit | $200 / admit |
| Kalusugan ng Pag-uugali | UMDAP1 | UMDAP1 | UMDAP1 |
*Kung hindi pang-emergency at hindi pang-admit sa SFGH.
**Mangyaring alamin sa iyong klinika sa oras ng serbisyo, dahil posibleng magbago ang mga presyo batay sa pangangalagang kukunin mo. Maaaring magbago ang mga bayarin. Walang bayarin para sa mga kliyenteng walang tirahan.
Mga POS na Bayarin at Iba pang Medical Home ng HSF
Ang mga POS na bayarin ay nag-iiba depende sa klinika. Kung ang iyong Medical Home ay nauugnay sa alinman sa mga klinika sa ibaba, mangyaring dirketang tawagan ang iyong Medical Home para malaman ang iskedyul ng kanilang mga POS na bayarin:
- SF Community Clinic Consortium (SFCCC)
- Kaiser Permanente
- Sister Mary Phillippa Health Center
1Ang bayarin Kung Saan Ipinagkakaloob ang Serbisyo para sa kalusugan ng pag-uugali (mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip at sa paggamit ng substance) ay nakabatay sa Pare-parehong Paraan sa Pagtukoy ng Kakayahang Magbayad (UMDAP) na ibinabalangkas ng Estado ng California.