Skip to main content
Healthy SF Logo
Healthy SF Logo

Iniuugnay ang Lahat ng Residente ng San Francisco sa Pangangalaga

Nag-aalok ang Healthy San Francisco ng murang pangangalagang pangkalusugan sa mga tao sa lungsod na walang insurance.

Isang Programang Pangkalusugan para sa Ating Komunidad

Binuo noong 2006 ng San Francisco Department of Public Health, tinutulungan ng Healthy San Francisco (HSF) ang mga residente ng San Francisco na walang insurance na makakuha ng mura at tuloy-tuloy na pangangalagang pangkalusugan. Isa itong madaling paraan para manatiling malusog at makakuha ng pangangalaga kapag kailangan mo nito.

Para maging kuwalipikado para sa HSF, dapat mong matugunan ang mga kinakailangang ito

To qualify for HSF, you must meet these requirements:

  • Wala kang insurance sa kalusugan
  • Nakatira ka sa San Francisco
  • Ikaw ay edad 18 taon o mas matanda
  • At marami pang iba

Mga Sinasaklaw na Serbisyong Nagpapanatili sa Iyong Malusog

Puwedeng makakuha ang mga kalahok sa HSF ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan tulad ng:

  • Pangunahin at espesyal na pangangalaga
  • Mga reseta at pagsusuri sa lab
  • Pangangalaga sa ospital
  • Pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip
  • Transportasyong pang-emergency sa loob ng San Francisco
  • At marami pang iba
An illustration of a doctor and a patient with talking bubbles. A large heart and a medical cross are behind them.

Makakuha ng Higit pang Benepisyo sa Medi-Cal

Ang Healthy San Francisco ay hindi insurance. Ang insurance ay nagbibigay sa iyo ng mas maraming benepisyo. Kung kaya mo, ang pagkuha ng insurance sa kalusugan tulad ng Medi-Cal ang pinakamagandang opsyon. Nag-aalok ang Medi-Cal ng libre o murang pangangalagang pangkalusugan para sa mga taong may mababang kita.

Makikita ng Sentro ng Serbisyo kung kuwalipikado ka at matutulungan kang magpatala sa Medi-Cal at iba pang programang pangkalusugan.

Decorative

Bayaran ang Iyong Mga Bayarin ng Kalahok nang Walang Kahirap-hirap

Bayaran ang iyong mga bayarin online gamit ang aming Portal sa Pagbabayad ng HSF. Puwede kang magbayad gamit ang credit, debit, at mga electronic check.

Magbayad online
Decorative

Oras Na Ba para I-renew ang HSF?

Dapat kang mag-apply muli para sa Healthy San Francisco kada 12 buwan. Nakakatulong ito sa iyong mapanatili ang access mo sa pangangalaga.

Alamin ang tungkol sa pag-renew