Talahulugan ng mga Termino
Ang Reporma sa Pangangalagang Pangkalusugan: (kilala rin bilang Batas sa Abot-Kayang Pangangalaga) “Obamacare”, opisyal na kilala bilang Pamabansang Batas sa Proteksyon ng Pasyente at Abot-Kayang Pangangalaga, ay naipasa noong 2010. Ang Batas ay nagbibigay sa mga estado ng mga framework, panuntunan, at alituntuning susundin. Ang layunin ay makapagbigay sa mas maraming tao ng access sa dekalidad at abot-kayang insurance at pangangalagang pangkalusugan.
Batas sa Abot-Kayang Pangangalaga: Ang Batas sa Proteksyon sa Pasyente at Abot-Kayang Pangangalaga (ACA) ay isang pederal na batas. Ipinasa ang ACA para repormahan ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng U.S. noong 2010. Ginawa ang ACA para matulungan ang mas maraming tao na makakuha ng dekalidad at abot-kayang saklaw sa kalusugan.
Ang pagpapasa ng ACA ay nagkaroon ng malaking epekto sa bawat estado. Sa California, binuo ang Covered California, na isang bagong pamilihan ng insurance sa kalusugan. Ang Medi‑Cal, na libreng programa sa saklaw sa pampublikong kalusugan ng California, ay pinalawak din.
Covered California: Ang Covered California ay ang pamilihan na tumutulong sa mga taga-California sa makakuha ng naa-access at dekalidad na saklaw sa kalusugan.
Federal Poverty Level:Isang sukatan ng antas ng kita na inilalabas kada taon ng Department of Health and Human Services. Ang iyong pagiging kuwalipikado para sa ilang partikular na programa at benepisyo ay nakabatay sa Federal Poverty Level.
Healthy San Francisco (HSF): Ang HSF ay isang programa sa saklaw para sa pangkalusugang access na ginawa ng Lungsod at County ng San Francisco. Ang HSF ay tumutulong na gawing naa-access at abot-kaya ang pangangalagang pangkalusugan para sa mga taong nakatira sa San Francisco at walang insurance sa kalusugan.
ID Card: Isang card na dapat mong palaging dalhin para makatanggap ka ng pangangalagang pangkalusugan. Ipinapaalam ng iyong ID card sa Medical Home mo na nakatala ka sa HSF.
Insurance sa Kalusugan: Isang kontratang iniaatas sa iyong pangkalusugang taga-insure na bayaran ang bahagi, o kabuuan, ng iyong mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan na may kapalit ng kabayaran.
Medical Home: Ang pasilidad (sa karamihan ng mga sitwasyon, isang klinika) kung saan nakakakuha ng pangangalagang pangkalusugan ang kalahok ng HSF.
Medi-Cal: Ang programa sa pangangalagang pangkalusugan ng Medicaid ng California. Ang programang ito ay nagbibigay ng libreng pangangalagang pangkalusugan para sa mga bata at nasa hustong gulang na may mababang kita at kaunting mapagkukunan. Ang iyong lokal na Kagawaran ng Mga Serbisyo sa Kapakanan/Serbisyong Panlipunan ng County ay ang mamamahala sa pagpapasya kung sino ang kuwalipikado para sa Medi-Cal. Puwede kang makakuha ng Medi-Cal kung matutugunan mo ang mga kinakailangan sa pagiging kuwalipikado.
Mga Bayarin Kung Saan Ipinagkakaloob ang Serbisyo (POS): Isang bayaring binabayaran mo tuwing tumatanggap ka ng serbisyong medikal. Maaaring kailanganin mong magbayad tuwing bibisita ka sa doktor, pupunta sa emergency room, o kukuha ng reseta.
Mga Bayarin ng Kalahok: Batay sa iyong kita, maaaring kailanganin mong magbayad ng bayarin ng kalahok para sa HSF. Ang mga bayarin ng kalahok ay babayaran nang apat (4) na beses kada taon. Ang halagang babayaran mo ay nakadepende sa kinikita ng iyong sambahayan, o sa iyong Federal Poverty Level (FPL).
Programa sa Pangkalusugang Access: Isang programang idinisenyo para gawing naa-access at abot-kaya ang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga taong walang saklaw sa kalusugan. Ang programa sa pangkalusugang access ay hindi produktong insurance sa kalusugan. Depende sa programa sa pangkalusugang access, ang mga programang ito ay makakapagbigay ng mga serbisyong tulad ng:
- Pangunahing pangangalaga
- Pangangalagang pang-iwas sa sakit
- Mga inireresetang gamot
- Pangangalagang may espesyalisasyon
Nalalapat ang ilang partikular na paghihigpit depende sa serbisyo at programa.
Programang SF City Option: Ang programang ito ay isang paraan para matugunan ng mga employer ng SF ang Kinakailangang Paggasta ng Employer ng San Francisco Health Care Security Ordinance (HCSO). Para alamin pa ang tungkol sa Programang SF City Option, bumisita sa sfcityoption.org.
San Francisco Department of Public Health (SFDPH): Ang SFDPH ay isang entidad ng pamahalaan na pinapatakbo ng Lungsod ng San Francisco. Ang SFDPH ay may dalawang Dibisyon – ang Network ng Pangkomunidad na Kalusugan (CHN) at ang Pampopulasyong Kalusugan at Pag-iwas sa Sakit. Ang CHN ay ang sistemang pangkalusugan ng Lungsod at may mga lokasyon sa buong Lungsod na kinabibilangan ng:
- San Francisco General Hospital Medical Center
- Laguna Honda Hospital and Rehabilitation Center AT
- Mahigit 15 pang sentrong pangkalusugan sa pangunahing pangangalaga
Nakatuon ang Dibisyon ng Pampopulasyong Kalusugan at Pag-iwas sa Sakit sa lahat ng komunidad ng San Francisco. Ang dibisyon ay binubuo ng Sangay ng Kalusugan at Kaligtasan sa Komunidad, Sangay ng Pagtataguyod ng Kalusugan at Pag-iwas sa Sakit sa Komunidad, at Sangay na Mga Serbisyong Pangkalusugan sa Komunidad.
Site sa Pagpapatala sa Healthy San Francisco: Mga lokasyon sa San Francisco kung saan puwedeng makipagkita ang kalahok ng HSF sa isang Sertipikadong Tagatulong sa Aplikasyon (CAA) para magkumpleto ng aplikasyon sa HSF. Para sa karamihan ng mga tao, ang site sa pagpapatala ay ang Medical Home ng HSF kung saan sila makakatanggap ng pangangalagang pangkalusugan.
Tagatulong sa Aplikasyon: Isang taong nagsanay at sertipikadong ng mga taong kwalipikado sa Healthy San Francisco. Ang mga Tagatulong sa Aplikasyon ng HSF ay tumutulong din sa mga tao na mag-apply para sa ibang programa, tulad ng Medi-Cal.