Sulitin ang Iyong Appointment
Mahalaga sa amin ang kalusugan mo. Gusto naming siguruhing masusulit mo ang iyong appointment. Subukan ang mga tip na ito sa iyong paghahanda para sa iyong (mga) paparating na appointment.
Bago bumisita sa iyong Medical Home
Sabihin sa taong tumutulong sa iyo na magpa-appointment tungkol sa iyong mga alalahanin sa kalusugan. Makakatulong ito sa kanya na masigurong maiiskedyul ang tamang tagal ng panahon para sa iyong pagbisita. Kung ito ang una mong pagpapatingin sa iyong Medical Home o sa bagong doktor, maging handang ibahagi ang medikal na kasaysayan mo. Nangangahulugan itong:
- Pagsasabi sa iyong doktor ng tungkol sa anumang kundisyon sa kalusugan na maaaring mayroon sa inyong pamilya
- Pagsasabi sa iyong doktor ng lahat ng kasalukuyan at nakaraan mong mga sakit at pagpapagamot
- Pagdadala ng mga lalagyan (o pagkuha ng larawan) ng anumang inirereseta at over-the-counter na gamot, herb, supplement, o bitaminang iniinom mo
Magsulat ng ilang bagay bago ka pumunta sa iyong doktor. Puwede itong magdulot ng MALAKING pagbabago!
Kapag naglalarawan ng problema sa kalusugan, siguruhing banggitin ang sumusunod:
- Listahan ng mga sintomas
- Kung kailan nagsimula ang problema
- Kung saang bahagi ito
- Kung ano ang pakiramdam nito
- Kung may anumang bagay na nagpapalala o nagpapabuti rito
- Listahan ng lahat ng gamot/herb/supplement/bitaminang iniinom mo
(kabilang ang dami at dalas) - Anumang bagay na nais mong itanong sa iyong doktor
Habang ikaw ay nasa Medical Home mo
Kapag kinakausap mo ang iyong doktor, tandaang mahalaga sa kanyang oras ang kalusugan mo.
- Malinaw na ilarawan ang iyong alalahanin sa kalusugan (M ga sintomas, kung kailan ito nagsimula, kung saang bahagi ito, kung ano ang pakiramdaman nito)
- Magtanong hanggang sa sigurado ka nang nauunawaan ng doktor ang mga alalahanin mo at ganap niyang nasagot ang mga tanong mo
- Ipasulat sa iyong doktor ang mga bagay kung hindi ka siguradong maaalala mo ang lahat
- Huwag kalimutan ang tungkol sa kalusugan ng emosyon mo – nakakaapekto ito sa kalusugan ng katawan mo. Siguruhing banggitin ang lahat ng iyong alalahanin sa kalusugan ng pag-iisip, hindi lang ang mga pisikal na nararamdaman.
Bago umalis sa iyong Medical Home, alamin:
- Kung dapat ka at kung kailan ka dapat bumalik para sa isa pang pagpapatingin
- Kung kailangan mong tumawag para malaman ang tungkol sa anumang resulta ng pagsusuri o para sa ulat tungkol sa kundisyon mo
- Kung may mga partikular na senyales ng babala na dapat mong bantayan
- Kung may mga materyal na dapat mong iuwi, o website na dapat mong puntahan, para alamin pa ang tungkol sa iyong diagnosis o paggamot
Karamihan sa mga tao ay nahihirapang alalahanin ang lahat ng sinasabi ng kanilang doktor. Magandang ideyang magtala sa panahon at pagkatapos ng iyong appointment para makasubaybay ka.
Huwag kailanman umalis sa iyong Medical Home nang hindi nasisigurado kung ano ang iyong diagnosis o paggamot.