Mga Tuntunin at Kundisyon

Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa: Oktubre 1, 2013

Ang mga sumusunod ay ang mga tuntunin at kundisyon (“Mga Tuntunin at Kundisyon”) ng isang legal na kasunduan sa pagitan mo at ng San Francisco Health Plan, ang tagapangasiwa ng Healthy San Francisco, kaugnay ng paggamit ng website ng Healthy San Francisco sa www.healthysanfrancisco.org (“Website”). Para sa mga layunin ng Mga Tuntunin at Kundisyon, ang mga salitang “kami,” “amin,” at “namin” ay tumutukoy sa San Francisco Health Plan at mga affiliate nito.

SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG WEBSITE, ISINASAAD MO NA NABASA, NAUUNAWAAN, AT SINASANG-AYUNAN MO NA MAPAILALIM SA MGA TUNTUNIN AT KUNDISYON.

1. Pagkapribado
Ang lahat ng impormasyong nakalap mula sa iyo kaugnay ng paggamit mo ng Website ay napapailalim sa mga probisyon ng Patakaran sa Pagkapribado, na isinama sa Mga Tuntunin at Kundisyon sa pamamagitan ng pagbanggit na ito. Mag-click dito upang basahin ang Patakaran sa Pagkapribado na nalalapat sa Mga Tuntunin ng Kundisyon.

2. Mga Pangkalahatang Pagbabawal
Sumasang-ayon kang hindi gawin ang alinman sa mga sumusunod habang ginagamit ang Website o content na naka-post sa Website:

(a) Magpadala ng anumang labag sa batas, nagbabanta, nanliligalig, nanghahamak, mapanirang-puri, malaswa, pornograpiko o bastos na materyal o anumang materyal na maaaring binubuo o nanghihikayat ng pagkilos na maituturing na kriminal na pagkakasala o magbunsod ng pananagutang sibil, o kung hindi naman ay lumalabag sa anumang batas;
(b) Magpadala ng mga hindi hininging email, junk mail, “spam,” promosyon o patalastas para sa mga produkto o serbisyo, o mga chain letter;
(c) Tangkaing i-disable o kung hindi naman ay gambalain ang wastong paggana ng Website o ng aming mga system ng computer;
(d) Mag-upload ng mga file na naglalaman ng mga virus, Trojan horse, worm, time bomb, cancelbot, corrupted file, o anupamang katulad na software o program na maaaring sumira sa paggana ng Website o sa aming mga system ng computer;
(e) Magsagawa ng anumang pagkilos na nagdudulot, o maaaring magdulot sa sarili naming pagpapasya ng hindi makatwiran o napakabigat na load sa aming mga system ng computer;
(f) Magsagawa ng anumang pagkilos na lumalaktaw sa anumang hakbang na maaari naming gamitin upang pigilan o paghigpitan ang pag-access sa Website;
(g) Magpanggap o magsabi ng hindi tama tungkol sa iyong kaugnayan sa sinumang tao o entidad; o
(h) Gamitin ang Website para sa anumang layunin na lumalabag sa mga lokal, pang-estado, pambansa, o internasyonal na batas.

3. Walang Medikal o Legal na Payo
Ang impormasyon sa Website na ito ay ibinibigay lang para sa pangkalahatang pagbibigay ng impormasyon.

Walang anumang nilalaman, ipinahahayag, o ipinahihiwatig sa Website ang nilalayong maging, o dapat bigyang-kahulugan bilang, medikal na payo. Ang mga indibidwal na tanong tungkol sa mga medikal na isyu ay dapat idirekta sa mga kaukulang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. Hindi mo dapat balewalain ang medikal na payo, o ipagpaliban ang paghingi ng medikal na payo, dahil lang sa isang bagay na nabasa mo sa Website.

Walang anumang nakapaloob, ipinahahayag, o ipinahihiwatig sa Website ang nilalayong maging, o dapat bigyang-kahulugan bilang, legal na payo, patnubay, o interpretasyon. Walang naitatatag ng anumang ugnayan ng abogado at kliyente sa pagitan mo at ng San Francisco Health Plan sa pamamagitan ng iyong paggamit ng Website na ito. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa anumang batas, alituntunin, regulasyon, o kinakailangang hayagan o malinaw na binabanggit sa Website, dapat kang makipag-ugnayan sa iyong sariling abogado.

4. Pag-aaring Intelektuwal
Ang “Healthy San Francisco,” “San Francisco City Option” at “City Option” ay mga trademark at marka ng serbisyo na pag-aari ng San Francisco Department of Public Health. Ang Website at anumang content na ginawang available sa Website ay pag-aari at karapatang-ari ng o nakalisensya sa San Francisco Department of Public Health o iba pa kung saan nakalaan ang lahat ng karapatan maliban na lang kung iba ang nakasaad. Hindi ka magkakaroon ng karapatan sa anumang content o anupamang interes sa pagmamay-ari sa content na iyon sa pamamagitan lang ng pag-download nito mula sa Website. Binibigyan ka ng Healthy San Francisco ng hindi eksklusibo, limitado, nababawi, at hindi maitatalagang lisensya upang bumisita, tumingin, at magpanatili ng kopya ng mga page ng Website para lang sa iyong personal at hindi pangkomersyong paggamit. Maliban na lang kung iba ang nakasaad, hindi ka maaaring magbago, magkopya, magsalin sa ibang wika, maglathala, mag-broadcast, magpadala, mamahagi, magtanghal, magpakita, magbenta, maghango ng mga gawa sa, maglisensya o mag-sublicense, magtalaga, o kung hindi naman ay maglipat ng lisensya o ng anumang content sa Website. Maliban na lang kung partikular na pinahihintulutan sa kasulatan ng San Francisco Health Plan o ng San Francisco Department of Public Health, ipinagbabawal ang anumang pangkomersyong paggamit ng Website o mga materyal sa Website.

5. Feedback
Bukas kami sa iyong feedback at mga suhestyon tungkol sa kung paano mapapahusay ang aming mga produkto at serbisyo at Website. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng anumang suhestyon, impormasyon, ideya, materyal, o iba pang content (sama-samang tinatawag na “Feedback”) sa amin, awtomatiko mong ipinagkakaloob sa San Francisco Health Plan, sa mga affiliate at kahalili nito, at itinatalaga ang walang bayad, panghabambuhay, hindi mababawi, at hindi eksklusibong karapatan at lisensya para gamitin, gawan ng kopya, baguhin, ilapat, ilathala, isalin, maghango ng gawa mula rito, ipamahagi, muling ipamahagi, ipadala, itanghal at ipakita ang naturang Feedback nang buo o bahagya sa buong mundo at/o isama ito sa iba pang gawa sa anumang anyo, media, o teknolohiyang kilala ngayon o gagawin sa hinaharap para sa kumpletong termino ng anumang karapatan na maaaring umiiral sa naturang Feedback. Malaya naming magagamit ang anumang ideya, konsepto, kaalaman, pamamaraan, at suhestyon na nilalaman ng anumang mensaheng ipapadala mo sa Website para sa anumang layunin, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa paggawa at pagbebenta ng mga produkto at/o serbisyo gamit ang naturang impormasyon.

6. Mga Provider ng Healthy San Francisco
Gumawa kami ng mga makatwirang pagsisikap upang maberipikang napapanahon at tumpak ang aming mga listahan at mapa ng mga provider ng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa network ng Healthy San Francisco (“Mapa ng Network”) na ipinapakita sa Website. Hindi kami mananagot para sa iyong mga pagkalugi, pinsala, o hindi saklaw na pagsingil bilang resulta ng paggamit sa Mapa ng Network na ipinapakita sa Website. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin upang maberipikang bahagi pa rin ng network ng Healthy San Francisco ang isang provider ng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa Mapa ng Network.

7. Mga Pagtatatwa ng Warranty/strong>
ANG IMPORMASYON SA WEBSITE AY IBINIBIGAY “SA KASALUKUYAN NITONG KONDISYON.” HAYAGANG ITINATATWA SA SUKDULANG PINAHIHINTULUTAN NG BATAS ANG LAHAT NG HAYAGAN, PAHIWATIG, AT NASA BATAS NA WARRANTY, KABILANG NANG WALANG LIMITASYON, ANG MGA WARRANTY NG KAKAYAHANG MAIKALAKAL, KAANGKUPAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, O HINDI PAGLABAG. HINDI KAMI KUMAKATAWAN O NAGBIBIGAY NG GARANTIYA SA IYO TUNGKOL SA ANTAS O KALIDAD NG AMING MGA SERBISYO.

ITINATATWA NAMIN ANG ANUMANG GARANTIYA KAUGNAY NG SEGURIDAD, PAGKAMAAASAHAN, AT PERFORMANCE NG WEBSITE, AT KATUMPAKAN NG IMPORMASYONG NILALAMAN NG WEBSITE. ITINATATWA NAMIN ANG PANANAGUTAN PARA SA ANUMANG PINSALANG MAGRERESULTA MULA SA PAG-DOWNLOAD O PAG-ACCESS NG ANUMANG IMPORMASYON O MATERYAL SA PAMAMAGITAN NG WEBSITE, KABILANG NANG WALANG LIMITASYON, ANG PINSALANG DULOT NG MGA VIRUS O MGA KATULAD NITONG MAY MAPANIRANG KATANGIAN. SARILI MONG PAGPAPASYA ANG PAGGAMIT MO NG WEBSITE. HINDI NAMIN GINAGARANTIYAHANG MATUTUGUNAN NG WEBSITE ANG IYONG MGA KINAKAILANGAN, O NA HINDI MAAANTALA O MAGKAKAROON NG ERROR ANG PAGPAPATAKBO NG WEBSITE.

8. Limitasyon ng Pananagutan
SA SUKDULANG PINAHIHINTULUTAN NG BATAS, HINDI KAMI KAILANMAN MANANAGOT PARA SA ANUMANG URI NG MGA PINSALA (KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, MGA PINSALANG ESPESYAL, NAGKATAON, O KINAHINATNANG PINSALA, MGA NAWALANG KITA, O NAWALANG DATA, SA KABILA NG POSIBILIDAD NG MGA PINSALANG IYON) NA MAGMUMULA SA O MAY KAUGNAYAN SA PAGGAMIT MO NG WEBSITE. NALALAPAT ANG LIMITASYONG ITO, DULOT MAN ANG MGA PINSALA NG PAGLABAG SA KONTRATA, TORT, O IBA PANG LEGAL NA TEORYA O URI NG AKSYON.
HINDI KAMI RESPONSABLE O MANANAGOT PARA SA MGA PAGKILOS O HINDI PAGKILOS NG MGA VENDOR NA TAGALABAS O PROVIDER NG IMPORMASYON, O PARA SA PERFORMANCE (O KAWALAN NG PERFORMANCE) SA MGA NETWORK SA LABAS O MGA PUNTO NG INTERKONEKSYON SA PAGITAN NG WEBSITE AT NG IBA PANG NETWORK AT/O SITE NA PINATATAKBO NG MGA THIRD PARTY.

9. Mga Link Sa/Mula sa mga Third-Party na Website
Maaaring magbigay ang Website ng mga link sa iba pang website na hindi pag-aari o kontrolado ng San Francisco Health Plan o ng San Francisco Department of Public Health (“Mga Third-Party na Website”). Hindi kami responsable sa availability ng mga Third-Party na Website, sa kalidad o katumpakan ng impormasyong ipinapakita sa mga Third-Party na Website, o sa anumang virus o iba pang nakakapinsalang elementong matatamo sa pagli-link sa mga Third-Party na Website. Dagdag pa rito, ang pagbibigay ng mga link papunta sa mga Third-Party na Website ay hindi dapat bigyang-kahulugan bilang pag-endorso o pag-apruba namin sa mga organisasyong nagso-sponsor sa mga naturang website o sa kanilang mga produkto o serbisyo.

Hindi kami responsable o mananagot sa anumang materyal sa mga Third-Party na Website na maaaring naglalaman ng mga link sa Website. Nakalaan sa amin ang karapatang i-disable ang anumang hindi awtorisadong link sa Website o ang pag-frame ng anumang content mula sa Website sa mga Third-Party na Website.

10. Imbestigasyon
Nakalaan sa amin ang karapatang imbestigahan ang mga pinaghihinalaang paglabag sa Mga Tuntunin at Kundisyon. Kung may malalaman kaming mga posibleng paglabag, maaari kaming magpasimula ng imbestigasyon na maaaring kinabibilangan ng pangangalap ng impormasyon mula sa iyo o sinumang sangkot na user at sa nagrereklamong partido, kung mayroon man, at pagsusuri ng iba pang materyal. Maaari naming pansamantalang suspindihin ang pagkakaloob ng aming mga serbisyo, o maaari naming permanenteng alisin ang sangkot na materyal sa aming mga server, bigyan ka ng mga babala, o suspindihin o wakasan ang iyong access sa aming mga serbisyo. Tutukuyin namin kung anong pagkilos ang gagawin bilang tugon sa isang paglabag depende sa sitwasyon, at sa aming sariling pagpapasya. Ganap kaming makikipagtulungan sa mga awtoridad ng batas sa pag-iimbestiga sa mga pinaghihinalaang paglabag sa batas.

11. Pagbabayad-danyos
Sumasang-ayon kang magbayad-danyos sa amin para sa ilang partikular na pagkilos o hindi pagkilos mo. Sumasang-ayon kang magbayad-danyos sa amin, depensahan kami, o hindi kami panagutin at ang aming mga opisyal, direktor, empleyado, kasangguni, ahente, at kinatawan sa anuman at lahat ng paghahabol, pagkalugi, pananagutan, pinsala, at/o gastos na matatamo ng third party (kabilang ang mga makatwirang bayad at gastos sa abogado) mula sa iyong pag-access at paggamit ng Website, paglabag sa Mga Tuntunin at Kundisyon, o paglabag sa anumang pag-aaring intelektuwal o iba pang karapatan ng sinumang tao o entidad.

12. Umiiral na Batas
Bibigyang-kahulugan ang Mga Tuntunin at Kundisyon nang alinsunod sa at napapasailalim sa mga batas ng Estados Unidos, Estado ng California, at Lungsod at County ng San Francisco, nang walang patungkol sa kanilang mga panuntunang nauugnay sa mga salungatan ng batas. Sumasang-ayon ka na ang anumang legal na pagkilos o paglilitis na nauugnay sa Website ay dapat idulog lamang sa pederal o pang-estadong korte na may kaukulang hurisdiksyon na nasa San Francisco, California, at sa pamamagitan nito, hayagan mong ibinibigay ang hindi mababawing pahintulot sa hurisdiksyon at lugar ng mga naturang korte.

13. Walang Waiver; Severability
Ang waiver ng anumang paglabag sa anumang probisyon ng Mga Tuntunin at Kundisyon ay hindi ituturing na waiver ng anumang pag-uulit ng naturang paglabag o hindi nito maaapektuhan sa anumang paraan ang iba pang tuntunin o kundisyon. Kung sakaling hindi maipapatupad ang anumang probisyon ng Mga Tuntunin at Kundisyon, hindi nito maaapektuhan ang pagkakaroon ng bisa o kakayahang maipatupad ng mga natitirang probisyon at papalitan ito ng maipapatupad na probisyon na pinakamalapit sa layuning napapasailalim sa hindi maipatupad na probisyon.

14. Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin at Kundisyon
Nakalaan sa amin ang karapatan, batay sa aming sariling pagpapasya, na baguhin ang Mga Tuntunin at Kundisyon, sa anumang oras nang walang paunang abiso. Kung babaguhin namin ang Mga Tuntunin at Kundisyon, ipo-post namin ang pagbabago sa Website. Responsibilidad mong pana-panahong tingnan kung may ginawa kaming anumang pagbabago sa Mga Tuntunin at Kundisyon. Sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng Website matapos ang anumang pagbabago sa Mga Tuntunin at Kundisyon, ipinapahiwatig mo na sumasang-ayon kang mapailalim sa nabagong Mga Tuntunin at Kundisyon. Kung hindi katanggap-tanggap para sa iyo ang nabagong Mga Tuntunin at Kundisyon, ang tanging magagawa mo lang ay ihinto ang paggamit ng Website.

15. Mga Tanong; Mga Komento
Kung mayroon kang anumang tanong o komento hinggil sa Website o sa aming Mga Tuntunin at Kundisyon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng koreo sa:
Healthy San Francisco
P.O. Box 194287
San Francisco, CA 94119-4287

O sa pamamagitan ng email: [email protected]