Mga Madalas Itanong

Ang Healthy San Francisco (HSF) ay isang programang ginagawang naa-access at mura ang pangangalagang pangkalusugan para sa mga taga-San Francisco na walang insurance sa kalusugan. Pinapatakbo ito ng  San Francisco Department of Public Health (DPH).

Magtakda ng pulong sa isang Tagatulong sa Aplikasyon ng HSF sa isa sa aming site sa pagpapatala sa buong lungsod. Mangyaring tingnan ang Paano Ako Mag-a-apply? para alamin pa.

Puwede kang mag-apply para sa HSF sa alinman sa aming mga site sa pagpapatala na matatagpuan sa buong lungsod. Mangyaring tingnan ang
Paano Ako Mag-a-apply? para alamin pa.

Kakailanganin mo ng 3 uri ng dokumento. Alamin pa ang tungkol sa kung ano ang kailangan mong dalhin:  
Kinakailangang Papeles para Magpatala..

Sa karamihan ng sitwasyon, oo. Siguruhing tanungin ang iyong Tagatulong sa Aplikasyon ng HSF sa panahon ng iyong pagpapatala.

Kada taon, dapat kang muling mag-apply para sa HSF. Kapag hindi ka muling nag-apply, mawawala sa iyo ang iyong saklaw sa pangangalagang pangkalusugan at access sa mga serbisyo.

Para muling mag-apply, dapat kang makipagkita sa isang Tagatulong sa Aplikasyon ng HSF para punan ang isang bagong aplikasyon kada taon. Dapat kang muling mag-apply gamit ang mga na-update na dokumento. Alamin pa ang tungkol sa pagre-renew ng iyong pagpapatala sa HSF Oras ng Pag-renew.

Matutulungan ka ng aming Serbisyo sa Customer ng HSF sa anumang tanong na mayroon ka. Puwede mo rin silang tawagan para mag-apply o muling mag-apply para sa HSF.

Available ang mga Ahente ng Serbisyo sa Customer nang Lunes–Biyernes
mula 8:00am–5:00pm.

Mga Kalahok at Bisita: 1(415) 615-4555

TDD/TTY para sa mga Tao na Hindi Nakakarinig, Nahihirapang Makarinig, o may Mga Kapansanan sa Pagsasalita: 1(415) 615-4555

Mag-email sa amin sa i[email protected]

Magpadala ng liham sa amin sa: Healthy San Francisco, P.O. Box 194287, San Francisco, CA 94120

May dalawang uri ng bayarin:

  • Mga Bayarin ng Kalahok
  • Mga Bayarin Kung Saan Ipinagkakaloob ang Serbisyo (Point of Service o POS)

Magbabago ang mga bayarin batay sa iyong kita. Mangyaring tingnan ang “Mga Bayarin”para sa higit pang impormasyon.

Walang babayaran para mag-renew sa HSF.

Magwawakas ang iyong saklaw sa HSF pagkalipas ng 12 buwan matapos mong magpatala sa Petsa ng Pagsisimula ng Saklaw mo. Dapat mong siguruhing mag-renew bago mag-expire ang saklaw mo. Magpa-appointment para siguraduhing napapanahon ang iyong pagpapatala.

Kung magwawakas ang iyong saklaw, mawawala ang iyong access sa iyong:

  • Mga serbisyo ng HSF
  • Medical Home
  • Doktor

Para i-renew ang iyong saklaw sa HSF, magpa-appointment sa isang Tagatulong sa Aplikasyon. Mahahanap siya sa iyong Medical Home o sa alinman sa aming Mga Site sa Pagpapatala ng HSF. Maghanap ng lugar ng pagpapatala na malapit sa iyo: Mga Lugar ng Pagpapatala.

Ang Medical Home ay ang pasilidad (sa karamihan ng sitwasyon, isang klinika) kung saan ipagkakaloob ng iyong regular na doktor ang pangunahing pangangalaga. Maa-access mo ang lahat ng iyong pangangalaga at serbisyo sa pamamagitan ng iyong Medical Home. Ang mga Medical Home ang unang lugar na dpat mong tawagan para sa mga tanong tungkol sa iyong pangangalagang pangkalusugan o paggamot.

Kapag nagpatala ka, pipili ka ng Medical Home kung saan ka tatanggap ng mga serbisyo sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan. Sa ilang partikular na Medical Home, maaari kang magkaroon ng Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) o propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na regular mong pupuntahan para sa pangangalaga.

Oo, pero dapat matugunan ng kahilingan ang mga kundisyong ito para maaprubahan:

  • Isinagawa ang kahilingan sa panahon ng taon ng pagpapatala sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Serbisyo sa Customer ng HSF
  • Isinagawa ang kahilingan para sa kahit isa sa mga dahilang nakalista rito.

Alamin pa ang tungkol sa lahat ng sinasaklaw na serbisyo namin:  Mga Sinasaklaw na Serbisyong Medikal.

Alamin pa ang tungkol sa mga serbisyong hindi namin sinasaklaw: Mga Sinasaklaw na Serbisyong Medikal.

Mangyaring tawagan ang Serbisyo sa Customer ng HSF sa 1(415) 615-4555 para makakuha ng bagong ID Card.

Narito kami para tulungan kang makuha ang pinakamahusay na pangangalaga at lutasin ang anumang isyu na mayroon ka. Alamin kung paano makahingi ng tulong o maghain ng reklamo: Serbisyo sa Customer ng Healthy San Francisco.

Makakakita ka ng kumpletong listahan ng mga Medical Home dito.. Puwedeng magbukas at magsara ang mga Medical Home anumang oras. Para sa na-update na impormasyon tungkol sa Medical Home ng HSF, mangyaring tawagan ang Serbisyo sa Customer ng HSF sa 1(415) 615-4555.

Ang mga botika ay nauugnay sa iyong Medical Home. Alamin pa ang tungkol sa Botika ng iyong Medical Home: Direktoryo ng Medical Home..

Ipapadala ka sa espesyalista ng iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan sa iyong Medical Home. Matatagpuan ang mga espesyalista sa isa sa mga ospital sa iyong network ng Medical Home. Ang ilang Medical Home ay may mga espesyalistang tauhan din na makagagamot sa iyo. Mangyaring tawagan ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga sa iyong Medical Home para sa lahat ng alalahanin sa kalusugan.

Ang Healthy San Francisco ay isang programa sa pangkalusugang access na may mga limitadong serbisyo. Kung makakakuha ka ng saklaw sa kalusugan sa pamamagitan ng iyong employer, mas magandang opsyon iyon. Kung nagbayad ang iyong employer para sa iyo sa Programang SF City Option, bumisita sa sfcityoption.org para malaman kung paano mo magagamit ang mga pondong iyon para sa pangangalagang pangkalusugan.

Papadalhan ka sa koreo ng pakete ng impormasyong nagsasaad sa iyo kung paano gamitin ang mga pondong na-transfer ng employer mo sa Programang SF City Option para sa iyo. Kung hindi ka makakatanggap ng pakete, tumawag sa 1(415) 615-4500 para matuto pa tungkol sa iyong account. Para alamin pa ang tungkol sa Programang SF City Option, bumisita sa sfcityoption.org.

Hindi. Sa kasalukuyan, hindi sinasaklawan ng HSF ang pangangalaga sa ngipin o paningin. Alamin pa ang tungkol sa pangangalagang sinasaklawan ng HSF Mga Sinasaklawang Serbisyong Medikal.

Ang Health Care Security Ordinance (HCSO) ng San Francisco ay inihatid ng Office of Labor Standards Enforcement. Para alamin pa ang tungkol sa HSCO, bisitahin ang website ng Office of Labor Standards Enforcement: sfgov.org/olse/hcso

Para makipag-ugnayan sa Office of Labor Standards Enforcement, mag-email sa [email protected] o tumawag sa 1(415) 554-7892.

Dapat matugunan ng mga employer ang mga pamantayan ng HCSO. Ang programang SF City Option ay ang isang paraan para magawa ito. Sinasaklaw ng SF City Option ang parehong Healthy San Francisco at mga SF Medical Reimbursement Account para sa mga empleyado. Para alamin pa, bumisita sa website ng SF City Option: sfcityoption.org.

Ang HSF ay bahagi ng Programang SF City Option, na sinasaklawan din ang mga SF Medical Reimbursement Account para sa mga empleyado. Para alamin pa ang tungkol sa pagbibigay ng kontribusyon sa SF City Option para sa iyong mga empleyado, bumisita sa website ng SF City Option website: sfcityoption.org.