Ang Iyong Medical Home
Ang Medical Home ay ang pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan (sa karamihan ng mga sitwasyon, isang klinika) kung saan ka nakakakuha ng pangangalagang pangkalusugan. Ikaw ang pipili ng iyong Medical Home kapag nagpatala ka sa at nag-renew ka ng iyong saklaw sa Healthy San Francisco (HSF). Makukuha mo ang lahat ng iyong pangangalaga sa pamamagitan ng iyong Medical Home ng HSF.
Palaging tawagan muna ang iyong Medical Home kapag mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong pangangalaga.
Tawagan ang iyong Medical Home para:
- Magpa-appointment
- Magtanong tungkol sa mga refill para sa mga inireresetang gamot
- Magpa-refer sa isang espesyalista
- Magpatala sa o mag-renew ng iyong saklaw sa HSF
Tingnan ang iyong ID Card ng Kalahok ng HSF para mahanap ang numero ng telepono ng iyong Medical Home.