ID Card Mo
Pinapadalhan ang mga Kalahok ng Healthy San Francisco (HSF) ng card ng pagkakakilanlan na tinatawag na ID Card ng Kalahok. Ipapadala sa koreo ang card kapag nagpatala o nagpalit ka ng Medical Home.
Isinasaad sa ID card mo ang iyong Medical Home kung saan ka nakatala sa HSF. Dalhin ito sa lahat ng oras. Mahalaga ang iyong ID card lalo na kapag:
- Bumibisita sa iyong Medical Home
- Kumukuha ng anumang uri ng pangangalagang pangkalusugan

Ang nasa itaas ay isang halimbawa ng hitsura ng ID Card ng Kalahok ng Healthy San Francisco.
Mag-order ng Pamalit na ID Card
Kung nawala mo ang iyong ID Card ng Kalahok, mangyaring tawagan ang Serbisyo sa Customer para makakuha ng panibago:
- Mga Kalahok ng Healthy San Francisco: 1(415)615-4555
- TDD/TTY para sa mga Taong Hindi Nakakarinig, Nahihirapang Makarinig, o may Mga Kapansanan sa Pagsasalita: 1(415) 547-7830
Available ang Serbisyo sa Customer ng HSF nang Lunes–Biyernes, 8:00am–5:00pm.