Patakaran sa Pagkapribado
Na-update noong: Oktubre 3, 2013
Lubos kaming naninindigan sa pagprotekta sa pagkapribado ng iyong personal na impormasyon. Ang patakarang ito sa pagkapribado (“Patakaran sa Pagkapribado) ay nalalapat sa Website na www.healthysanfrancisco.org (“Website”) na ginawa at pinapanatili ng San Francisco Health Plan, ang tagapangasiwa ng Healthy San Francisco, at binubuo nito ang aming abiso sa iyo tungkol sa aming mga kagawian sa pagkapribado. Para sa mga layunin ng Patakaran sa Pagkapribado, ang mga salitang “SFHP,” “kami,” “amin,” at “namin” ay tumutukoy sa San Francisco Health Plan at mga affiliate nito.
Itinakda namin ang Patakaran sa Pagkapribado upang ipaalam sa iyo ang mga uri ng personal na impormasyon na maaari naming kunin sa pagbisita mo sa Website, kung bakit namin kinukuha ang impormasyon mo, kung para saan namin ginagamit ang personal mong impormasyon, at kung kailan namin maaaring isiwalat ang iyong personal na impormasyon.
Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng Website, tinatanggap mo ang mga kagawiang inilalarawan sa aming Patakaran sa Pagkapribado. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga tuntunin ng Patakaran sa Pagkapribado na ito, mangyaring huwag gamitin ang Website at umalis kaagad.
Personal na Impormasyon
Kapag nagla-log in ka sa aming Website at nakikipag-ugnayan ka sa amin sa pamamagitan ng aming site, hindi namin kinokolekta ang personal na impormasyon tungkol sa iyo maliban na lang kung boluntaryo mo itong ibibigay sa amin. Ang personal na impormasyon (“Personal na Impormasyon”) ay anumang impormasyon o data na natatangi sa isang indibidwal tulad ng pangalan, social security number, address, email address, petsa ng kapanganakan, atbp. Maaari kang pahintulutan ng ilang bahagi ng aming Website na magbigay sa amin ng Personal na Impormasyon para makapaghatid sa iyo ng mga hinihiling na materyal, produkto o serbisyo, makapagsumite ng karaingan, makatugon sa iyong mga tanong, o mabigyang-daan kang mag-update ng impormasyon. Dagdag pa rito, maaaring kinakailangang magparehistro, at maaaring kolektahin ang Personal na Impormasyon sa ilang partikular na bahagi ng Website kung saan partikular at sadya mong ibinibigay ang naturang impormasyon (hal., pagpaparehistro sa subscription, mga suhestyon, o mga kahilingan sa serbisyo sa customer).
Paggamit ng Personal na Impormasyon
Ginagamit lang ang Personal na Impormasyon gaya ng inilalarawan dito. Hindi namin ibinebenta, nililisensiyahan, ipinadadala o isinisiwalat ang Personal na Impormasyon na ibinibigay mo sa amin sa labas ng Healthy San Francisco maliban sa mga layunin ng paggamot, pagbabayad, mga pagpapatakbo ng pangangalagang pangkalusugan, pakikipag-ugnayan sa iyo, sa mga nakakontratang ahenteng nagbibigay ng mga serbisyong sumusuporta sa pagpapatakbo sa Healthy San Francisco o kapag iniaatas ng batas, at nagsasagawa ng anumang naturang pagsisiwalat ng anumang Personal na Impormasyon hanggang sa sukdulang nasasaklawan ng mga nalalapat na batas at regulasyon. Mangyaring sumangguni sa seksyon 14 na “Abiso tungkol sa Kagawian sa Pagkapribado para sa Impormasyon sa Kalusugan” para sa higit pang detalyadong paliwanag sa limitadong paggamit ng iyong Personal na Impormasyon. Kinakailangan ang pahintulot mo sa anupamang paggamit ng iyong Personal na Impormasyon na hindi inilalarawan sa Patakaran sa Pagkapribado.
Walang Pagkakakilanlang Impormasyon
Sa pamamagitan ng paggamit mo sa Website, maaari rin kaming mangalap ng ilang partikular na impormasyon na hindi tumutukoy sa iyo bilang indibidwal (“Walang Pagkakakilanlang Impormasyon”). Sa pangkalahatan, kinokolekta ang impormasyong ito sa pamamagitan ng “data ng trapiko” at maaaring gumamit dito ng “Cookies,” “mga IP Address” o iba pang numeric code na ginagamit upang tukuyin ang isang computer.
Paggamit ng Walang Pagkakakilanlang Impormasyon
Ginagamit namin ang Walang Pagkakakilanlang Impormasyon upang matulungan kaming matukoy kung paano ginagamit ng mga tao ang mga bahagi ng Website at kung sino ang aming mga mambabasa upang mapahusay namin ang aming Website at matiyak na kaaya-aya ito para sa maraming tao hangga’t posible. Ginagamit din namin ang Walang Pagkakakilanlang Impormasyon upang magbigay ng pinagsama-samang pang-istatistikang impormasyon ng “mga rating” sa aming mga partner at iba pang third party tungkol sa kung paano sama-samang ginagamit ng mga user namin ang aming Website. Maaari din naming gamitin o ibahagi ang Walang Pagkakakilanlang Impormasyon (o iba pang impormasyon, bukod sa Personal na Impormasyon) sa anupamang paraang sa tingin namin ay naaangkop o kinakailangan.
Mga Patakaran para sa mga Batang Wala Pang 13 Taong Gulang
Hindi kami sadyang nangongolekta ng anumang impormasyon mula sa mga taong wala pang 13 taong gulang, nang walang pahintulot ng magulang o legal na tagapag-alaga ng bata. Kung mapag-aalaman naming nagsumite ang iyong anak ng Personal na Impormasyon, at gusto mong hilinging alisin ang naturang impormasyon sa aming system, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono sa 1(415) 615-4500. Idinisenyo ang aming Website na para sa mga nasa hustong gulang. Hindi nilayong gawin ang aming Website para sa mga batang wala pang 13 taong gulang. Hindi dapat gamitin ng mga batang wala pang 13 taong gulang ang aming Website nang hindi nakakakuha ng paunang pahintulot ng magulang.
Cookies
Maaari kaming gumamit ng Cookies upang maibigay ang ilan sa mga serbisyo sa aming Website. Ang “Cookies” ay mga piraso ng impormasyon na inililipat ng isang website sa hard disk ng iyong computer para sa mga layunin ng pagtatabi ng rekord. Ginagawang mas madali para sa iyo ng cookies na mag-surf sa web sa pamamagitan ng pag-save ng iyong mga password, pagbili, at kagustuhan habang nasa Website ka namin. Karaniwan sa industriya ng internet ang paggamit ng Cookies, at maraming malalaking website ang gumagamit ng mga ito upang magbigay ng mga kapaki-pakinabang na feature para sa kanilang mga user. Hindi tinutukoy ng cookies ang pagkakakilanlan ng mga user, pero natutukoy ng mga ito ang computer ng user. Hindi kailanman gumagamit ng Cookies ang aming Website upang kumuha ng impormasyon mula sa iyong computer na hindi orihinal na ipinadala sa pamamagitan sa isang Cookie. Maliban sa inilalarawan sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, hindi namin ginagamit ang impormasyong naipadala sa pamamagitan ng Cookies para sa anumang pampromosyon o pang-marketing na layunin, at hindi rin ibinabahagi ang impormasyong iyon sa kahit anong third party.
Mga Internet Protocol Address.
Ang Internet Protocol Address (“IP Address”) ay isang numero na awtomatikong tumutukoy sa computer o machine na ginagamit mo upang i-access ang Internet. Nagbibigay-daan ang address sa aming server na maipadala sa iyo ang mga web page na gusto mong bisitahin. Maaari nitong isiwalat ang server na pag-aari ng iyong Internet Service Provider. Ginagamit namin ang iyong IP Address upang makatulong sa pag-diagnose ng mga problema sa aming server at upang masuportahan ang pangangasiwa sa aming site.
Spyware
Hindi kami kailanman gumagamit o nag-i-install ng spyware sa iyong computer, at hindi rin kami gumagamit ng spyware upang kumuha ng impormasyon mula sa iyong computer.
Mga Third-party na Ahente
Paminsan-minsan ay nagkakaroon kami ng mga third-party na ahente, subsidiary, affiliate, at mga joint venture na nagsasagawa ng mga tungkulin sa ngalan namin. Maaaring magkaroon ang mga entidad na ito ng access sa Personal na Impormasyon na kinakailangan upang maisagawa nila ang kanilang mga tungkulin at may obligasyon sila sa ilalim ng kontrata na panatilihin ang pagkakumpidensyal at seguridad ng naturang Personal na Impormasyon. Pinaghihigpitan sila sa paggamit o pagbabago ng data na ito sa anumang paraan maliban sa pagbibigay ng mga hinihiling na serbisyo sa Website.
Mga Link sa Iba Pang Website
Nalalapat lang ang Patakaran sa Pagkapribado na ito sa Website ng Healthy San Francisco, at hindi sa mga Website ng iba pang kumpanya o organisasyon kung saan maaaring naka-link kami. Kabilang sa mga link na ito ang mga link mula sa mga sponsor, partner at iba pa na hindi namin kontrolado. Magagawa ng iba pang site na ito na magpadala ng sarili nilang cookies sa iyo, kolektahin ang data mo, o hingiin ang iyong personal na impormasyon. Maging alerto palagi kung saan ka napupunta. Wala kaming pananagutan sa mga pagkilos at patakaran sa pagkapribado ng mga third party at iba pang Website. Hinihikayat ka naming basahin ang naka-post na pahayag sa pagkapribado at mga tuntunin at kundisyon sa user sa tuwing gumagamit ka ng anupamang Website.
Patakaran sa Seguridad
Lubos naming pinagtutuunan ang kahalagahan ng seguridad para sa lahat ng Personal na Impormasyon na nauugnay sa iyo. Nag-iingat kaming mabuti sa pagsasagawa ng secure na pagpapadala ng iyong impormasyon mula sa iyong PC patungo sa aming mga server. Ang Personal na Impormasyong kinokolekta ng aming Website ay sino-store sa mga secure na operating environment na hindi available sa publiko. Gumagamit kami ng mga built-in na firewall (isang kombinasyon ng hardware at software ng computer) upang pigilan ang mga hindi awtorisadong user sa pag-access ng impormasyon sa pamamagitan ng aming network ng computer. May mga ipinatupad kaming naaangkop na pamamaraang panseguridad sa aming mga pisikal na pasilidad upang magprotekta laban sa pagkawala, maling paggamit, o pagbabago ng impormasyon na nakolekta namin mula sa iyo sa aming site.
Para sa mga online na transaksyon sa pagbabayad, ipinapadala ang impormasyong ibinibigay sa amin gamit ang SSL (Secure Socket Layer) na pag-encrypt. Ang SSL ay isang napatunayang coding system na nagbibigay-daan sa iyong browser na awtomatikong mag-encrypt o mag-scramble ng data bago mo ito ipadala sa amin. Talagang hindi gagamitin ang impormasyon sa pagbabayad bukod sa mga transaksyong ginagawa sa site na ito at walang pagsisiwalat na gagawin sa mga third party maliban sa kinakailangan para sa pagpoproseso ng online na pagbabayad, o kung hindi naman ay iniaatas ng batas. Pinoprotektahan din namin ang impormasyon sa pamamagitan ng paglalagay nito sa isang secure na bahagi ng aming mga website na naa-access lang ng ilang partikular na kwalipikadong empleyado ng San Francisco Health Plan. Gayunpaman, sa kasamaang-palad ay walang pagpapadala ng data sa Internet na 100% secure. Bagama’t nagsisikap kaming protektahan ang iyong impormasyon, hindi namin masisigurado o magagarantiya ang seguridad ng naturang impormasyon. Sino-store sa mga server na may limitadong access ang impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan tungkol sa iyo. Pananatilihin namin ang mga pag-iingat upang maprotektahan ang seguridad ng mga server na ito at ng iyong impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan.
Ang mga empleyado lang na nangangailangan ng access sa iyong Personal na Impormasyon upang magawa ang mga trabaho nila ang binibigyan ng access, at lumagda ang bawat isa ng mga kasunduan sa pagkakumpidensyal. Ang sinumang empleyadong lalabag sa aming mga patakaran sa pagkapribado at/o seguridad ay mapapailalim sa pandisiplinang pagkilos, kabilang ang posibleng pagkakatanggal sa trabaho at sibil at/o kriminal na paglilitis.
Nilalayon naming protektahan at panatilihing kumpidensyal ang lahat ng impormasyong boluntaryong ibinibigay sa amin sa pamamagitan ng Website, at tratuhin ang naturang impormasyon nang may pagsasaalang-alang at pagkakumpidensyal na gaya sa anumang impormasyong ipinadadala sa amin sa pamamagitan ng koreo sa U.S. o ipinaparating sa amin sa pamamagitan ng telepono. Gayunpaman, dahil sa likas na katangian ng Internet, nahahadlangan kami sa paggarantiya sa pagkakumpidensyal ng impormasyon na natatanggap namin sa pamamagitan ng Website o email. Kung gusto mo, maaari kang makipag-ugnayan na lang sa amin sa pamamagitan ng telepono sa 1(415) 615-4500.
Mga Komunikasyon Gamit ang Aming Website
Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, sa mga kagawian ng Website na ito, o sa iyong mga transaksyon sa Website na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa:
Healthy San Francisco
P.O. Box 194287
San Francisco, CA 94119-4287
[email protected]
Mga Pagbabago sa Patakaran sa Pagkapribado
Maaaring pana-panahon naming amyendahan ang Patakaran sa Pagkapribado na ito. Ipo-post sa publiko sa bahaging ito ng Website ang mga naturang pagbabago. Responsibilidad mong basahin ang Patakaran sa Pagkapribado ng Website sa tuwing gagamitin mo ang website na ito. Sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa paggamit ng website na ito, sumasang-ayon ka sa anumang pagbabago sa aming Pakataran sa Pagkapribado ng Website.
Abiso tungkol sa Kagawian sa Pagkapribado para sa Impormasyon sa Kalusugan.
Ang San Francisco Health Plan, bilang isang kasamahan sa negosyo ng Department of Public Health, ay inaatasan ng batas na gawing pribado ang iyong impormasyon sa kalusugan. Iniaatas din sa amin na ipaalam sa iyo ang aming mga kagawian sa pagkapribado tungkol sa iyong protektadong impormasyon sa kalusugan (PHI). Ang ibig sabihin ng PHI ay “protektadong impormasyon sa kalusugan (protected health information)” at gagamitin ito sa kabuuan ng abisong ito.
Paano ginagamit at ibinabahagi ng SFHP ang aking PHI?
Sino-store ng SFHP ang mga rekord na nauugnay sa kalusugan tungkol sa iyo, na kinabibilangan ng:
- Impormasyon sa pagpapatala sa Healthy San Francisco; at
- Anumang personal na impormasyon na boluntaryo mong ibinigay sa amin gaya ng inilalarawan sa itaas.
Ginagamit at ibinabahagi namin ang impormasyong ito sa iba para sa mga sumusunod na dahilan:
- Paggamot. Ginagamit ng SFHP ang iyong PHI upang planuhin ang iyong pangangalagang pangkalusugan. Halimbawa, ibinabahagi namin ang iyong PHI sa mga ospital, klinika, doktor, at iba pang provider ng pangangalagang pangkalusugan upang tulungan silang magbigay ng pangangalaga sa iyo.
- Pagbabayad. Ginagamit at ibinabahagi ng SFHP ang iyong PHI upang bayaran ang mga natatanggap mong serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan. Halimbawa, sinasabi namin sa mga provider na kalahok ka sa Healthy San Francisco, at sinasabi namin sa kanila ang tungkol sa iyong mga saklaw na serbisyo.
- Mga Pagpapatakbo sa Pangangalagang Pangkalusugan. Ginagamit at ibinabahagi ng SFHP ang iyong PHI, kapag kinakailangan, upang tulungan kami bilang third-party na tagapangasiwa. Halimbawa, ginagamit namin ang PHI upang magbigay ng mga de-kalidad na pag-aaral sa Department of Public Health.
- Mga Kontratista at Ahente. Ibinabahagi namin ang PHI sa aming mga kontratista at ahente na tumutulong sa amin sa mga gawaing nakalista sa itaas. Kinukuha ang mga kasunduan sa pagkakumpidensyal bago namin ibahagi ang impormasyon para sa mga layuning pagbabayad o pangnegosyo. Halimbawa, ang mga kumpanyang nagbibigay o nagpapanatili ng aming mga serbisyo sa computer ay maaaring magkaroon ng access sa mga computerized na PHI kapag nagbibigay ng mga serbisyo sa amin.
- Pakikipag-ugnayan sa Iyo. Maaari kaming makipag-ugnayan sa iyo upang magbigay sa iyo ng mga paalalang pangkalusugan o impormasyon para sa muling pagpapatala. Maaari din kaming makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa iba pang serbisyong pangkalusugan.
Maaari bang makakuha ng impormasyon tungkol sa akin ang iba pang taong bahagi ng aking pangangalaga?
Oo, kung sa palagay namin ay kinakailangan, maaari kaming magbigay ng impormasyon sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya na awtorisadong maging bahagi ng iyong pangangalaga, o nagbabayad para sa iyong pangangalaga. Kabilang dito ang pagsagot sa mga tawag sa telepono tungkol sa pagiging kwalipikado.
Maaari bang ibigay ang aking PHI nang walang pahintulot ko?
Oo, maaari naming ibahagi ang PHI nang walang pahintulot mo. Ang PHI ay maaaring ibahagi sa mga ahensya ng pamahalaan at sa iba pa sa mga panahong inaatasan o pinahihintulutan kami ng batas. Ang sumusunod ay isang listahan ng kung kailan namin maaaring ibahagi ang iyong PHI nang walang pahintulot mo:
- Mga pagsisiwalat na iniaatas ng batas ng pang-estado o pederal na batas.
- Mga pagsisiwalat sa mga ahensyang responsable sa pamamahala sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan, para sa mga pag-audit, pagsisiyasat o imbestigasyon; o
- Kapag nakatanggap ng isang kautusan ng korte.
Mayroon bang anumang pagkakataon na hindi inilalabas ang aking PHI?
Ang iyong PHI ay maaaring saklaw sa ilalim ng mga batas na maaaring naglilimita o pumipigil sa ilang paggamit o pagsisiwalat. Halimbawa, may mga limitasyon sa pamamahagi ng PHI na nauugnay sa:
- katayuan sa HIV/AIDS,
- paggamot sa kalusugan ng pag-iisip,
- mga kapansanan sa pag-develop, at
- paggamot sa labis na paggamit ng droga at alak.
Sumusunod kami sa mga limitasyong ito sa paggamit namin ng iyong PHI. Hindi namin pahihintulutan ang iba pang pagbabahagi o paggamit ng iyong PHI nang walang nakasulat na pahintulot mo. Gayunpaman, pakitandaan na hindi hawak ng SFHP ang anumang medikal na rekord.
Ang Iyong Mga Indibidwal na Karapatan
Ano ang mga karapatan ko bilang kalahok ng Healthy San Francisco?
Mayroon kang mga sumusunod na karapatan:
- May karapatan kang hilingin sa amin na limitahan ang ilang partikular na pagbabahagi at paggamit ng iyong PHI. Hindi inaatasan ang SFHP na sumang-ayon sa anumang paghihigpit na hiihiling ng mga miyembro nito.
- May karapatan kang hilingin sa amin na makipag-ugnayan lang sa iyo sa pamamagitan ng sulat o sa ibang address, post office box, o sa pamamagitan ng telepono. Tatanggapin namin ang mga kahilingan kapag kinakailangan upang maprotektahan ang iyong pagkapribado.
- Kung naniniwala kang mali ang impormasyon sa aming mga rekord, may karapatan kang hilingin sa amin na baguhin ito. Maaari naming tanggihan ang iyong kahilingan. Kung tatanggihan ang kahilingan mo, may karapatan kang magsumite ng pahayag na ilalagay sa rekord.
- May karapatan kang makakuha ng ulat ng hindi karaniwang pagbabahagi ng iyong PHI na isinagawa namin. Ang iyong kahilingan ay maaaring para sa hanggang anim na taon bago ang petsa ng iyong kahilingan. May ilang limitasyon. Halimbawa, wala kaming rekord ng:
- Impormasyong ibinahagi nang may pahintulot mo.
- Impormasyong ibinahagi para sa mga layunin ng paggamot sa pangangalagang pangkalusugan, pagsusuri sa bayad para sa mga serbisyong pangkalusugan, o pagsasagawa ng mga pagpapatakbo sa planong pangkalusugan ng SFHP.
- Impormasyong ibinahagi sa iyo; at
- Iba pang partikular na pagsisiwalat.
Ano ang maaari kong gawin?
Maaari mong gamitin ang alinman sa iyong mga karapatan sa pamamagitan ng pagpapadala ng nakasulat na liham sa aming Privacy Officer sa address na nakalista sa ibaba. Upang tumulong sa iyong kahilingan, tawagan kami sa numero ng telepono na nakalista rin sa ibaba.
Paano ako maghahain ng reklamo kung nilabag ang aking mga karapatan sa pagkapribado?
May karapatan kang maghain ng reklamo sa aming Privacy Officer. Dapat mong ibigay sa amin ang mga partikular na nakasulat na impormasyon na sumusuporta sa iyong reklamo. Maaari ka ring maghain ng reklamo sa Secretary of Health and Human Services.
Hindi gagawa ang SFHP ng anumang bagay laban sa iyo sa anumang paraan dahil sa paghahain ng reklamo. Ang paghahain ng reklamo ay hindi makakaapekto sa kalidad ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na natatanggap mo bilang miyembro ng SFHP.
Makipag-ugnayan sa SFHP sa:
San Francisco Health Plan
Attn: Privacy Officer
P.O. Box 194247
San Francisco, CA 94119-4247
Makipag-ugnayan sa Secretary of Health and Human Services sa:
Secretary of Health and Human Services
Office for Civil Rights
Address ng koreo:
200 Independence Avenue SW, Room 509F, HHH Building
Washington, DC 20201