Mga Kinakailangang Dokumento para Makapagpatala

Sa panahon ng iyong appointment sa aplikasyon, dapat mong dalhin ang sumusunod na dokumentasyon:

  1. Personal na pagkakakilanlan (ID)
  2. Patunay na nakatira ka sa San Francisco
  3. Patunay ng kita ng sambahayan

Matutulungan ng mga dokumentong ito ang Sertipikadong Tagatulong sa Aplikasyon na tukuyin kung kuwalipikado ka para sa Healthy San Francisco o sa ibang programa para sa pampublikong insurance sa kalusugan. Kung wala ang mga dokumentong ito sa panahon ng iyong appointment, hindi mo matatapos ang iyong aplikasyon.

1. Personal na Pagkakakilanlan (ID):

ISA LANG ang kailangan mo sa mga dokumentong ito. May larawan mo dapat ang iyong personal na ID. Narito ang ilang halimbawa:

Lisensya o ID sa Pagmamaneho na Ibinigay ng Estado ID Card ng San Francisco
Pasaporte sa U.S. ID ng Larawan ng Estudyante
Sertipiko ng Naturalisasyon N-550/N-570 Consular ID
Permanente o Pansamantalang Card ng Paninirahan Card o ID ng Pahintulot sa Pagtatrabaho
Sertipiko ng Pagkakaroon ng Lahing Indian/pantribong dokumento ng American Indian ng U.S.

2. Patunay na nakatira ka sa San Francisco:

ISA LANG ang kailangan mo sa mga dokumentong ito. Dapat makita ang iyong pangalan sa patunay ng iyong pisikal na address. May petsa dapat ang dokumento na napapaloob sa 45 araw mula sa petsa ng pagsusumite ng aplikasyon. Narito ang ilang halimbawa:

Lisensya o ID sa Pagmamaneho na Ibinigay ng Estado Kasalukuyang Pay Stub

Tumingin ng halimbawa rito.

Tseke o Pahayag ng Pensyon Bank Statement

Tumingin ng halimbawa rito.

Liham ng Pangkalahatang Tulong Pagpaparehistro sa DMV
ID Card ng San Francisco City Bayarin sa Utilidad
Affidavit ng Suporta Liham ng Paggawad ng Social Security
Liham ng Paggawad ng SSI

Affidavit ng Suporta – Ito ay isang form na mapipirmahan ng kasama mo sa bahay para patunayang nakatira ka sa San Francisco. Kakailanganin niyang magbigay ng isa sa mga nakalistang item na nakapangalan sa kanya. Mag-click dito para ma-download ang form.

3. Patunay ng Kita.

Para sa Bawat taong nakatira sa iyong tahanan, mangyaring ibigay ang pinakabagong kopya ng isa sa mga dokumentong ito bilang patunay ng kita. Dapat ay may petsa ang dokumento na napapaloob sa 45 araw mula sa petsa ng pagsusumite ng aplikasyon.

Kasalukuyang Pay Stub

Tumingin ng halimbawa rito.

Pinakabagong 1040 Tax Return
Nilagdaang Pahayag mula sa Employer

Tumingin ng halimbawa rito.

Mga Resibo ng Kita sa Pagrerenta
Pahayag ng Mga Benepisyo para sa Pagkawala ng Trabaho Pahayag ng Beterano
Pahayag ng Bayad-Pinsala sa Manggagawa Kopya ng Liham ng Paggawad
Pahayag ng Kita at Gastusin para sa Sariling Negosyo

Tumingin ng halimbawa rito.

Kung ikaw ay self-employed o may maliit na negosyo at walang kasalukuyang tax return, maaari kang gumamit ng Pahayag ng Kita at Gastusin bilang patunay ng kita.

4. Awtorisadong Kinatawan.

Ang isang awtorisadong kinatawan ay isang taong magagawa ang sumusunod:

  • Tulungan ka sa iyong aplikasyon
  • Tumulong sa pagpapabatid o pagbabahagi ng impormasyon para sa iyo
  • Magpasya para sa iyo tungkol sa iyong pakikilahok sa programa

Puwede kang pumili ng tao na magiging awtorisadong kinatawan mo. Para magawa ito, punan ang form na ito kasama siya: halimbawang form ng awtorisadong kinatawan.

Puwede mong i-upload dito ang lahat ng iyong kinakailangang dokumento.

*Posibleng mangailangan ng karagdagang dokumentasyon.