Oras ng Pag-renew

Para patuloy na makatanggap ng pangangalaga sa pamamagitan ng Healthy San Francisco (HSF), dapat kang muling mag-apply kada labindalawang buwan. Ang ibig sabihin nito ay dapat kang makipagkita sa isang Sertipikadong Tagatulong sa Aplikasyon kada taon. Magkasama ninyong pupunan ang isang bagong form ng aplikasyon at isusumite ang mga pinakabagong kopya ng mga kinakailangang dokumento.

May dalawang madaling hakbang para i-renew ang iyong saklaw sa HSF:

1. Abangan sa koreo ang iyong taunang liham ng pag-renew.

Ang araw kung kailan ka natanggap sa HSF ay tinatawag na iyong petsa ng anibersaryo. Sa bawat taon na nasa programa ka, makakatanggap ka ng abiso sa pag-renew sa koreo bago sumapit ang petsa ng anibersaryo mo.

2. Kapag natanggap mo na ang iyong abiso sa pag-renew, magpa-appointment sa isang Sertipikadong Tagatulong sa Aplikasyon sa iyong Medical Home.

Nasa liham ng pag-renew na matatanggap mo ang kanyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Responsibilidad mong siguruhing magre-renew ka bago ang petsa ng anibersaryo mo. Kung hindi ka magre-renew bawat taon, aalisin ka sa pagkakatala sa HSF.

Kung lilipat ka ng tirahan, siguruhing tumawag kaagad sa Serbisyo sa Customer ng HSF sa 1(415) 615-4555. Kung wala sa amin ang iyong pinakabagong address, posibleng hindi mo matanggap ang liham ng pag-renew, at baka matanggal ang iyong pagkakatala sa programa.

Kung hindi mo natatanggap ang mga abiso sa pamamagitan ng koreo, tawagan ang iyong Sertipikadong Tagatulong sa Aplikasyon para magpatulong.

Puwede kang matanggal sa pagkakatala sa HSF kung ikaw ay:

  • Hindi magre-renew ng iyong saklaw sa HSF
  • Lilipat sa labas ng San Francisco
  • Kukuha ng insurance sa kalusugan
  • Magiging kuwalipikado para sa insurance sa kalusugan na iniisponsoran ng pamahalaan tulad ng Medi-Cal o Medicare
  • Hindi magbabayad ng anumang kinakailangang bayarin sa pakikilahok
  • Matutuklasang gumawa ng mga hindi totoong pahayag sa iyong aplikasyon o mga materyal sa pag-renew
  • May maling paggamit ng program