Paano ako Mag-a-apply?
HAKBANG 1: Magpa-appointment para sa pagpapatala sa isang Sertipikadong Tagatulong sa Aplikasyon (CAA).
Para mag-apply sa Healthy San Francisco, magpa-appointment sa isang site sa pagpapatala. Maraming madaling mapupuntahang lokasyon sa San Francisco.
Para makahanap ng isa, gawin ang alinman sa sumusunod:
- Pumili ng lokasyon mula sa menu sa ibaba, tawagan ang nakalistang numero ng telepono, at magpa-appointment O
- Mag-download ng napi-print na bersyon ng mga lokasyon ng appointment dito.
Kailangan mong magdala ng ilang partikular na dokumento sa iyong appointment para:
- Masigurong kuwalipikado ka
- Kumpletuhin ang iyong aplikasyon
Hanapin ang listahan ng mga dokumentong kailangan mong dalhin dito.
Puwede ka ring magpatulong sa pagpapatala sa HSF sa Sentro ng Serbisyo ng SFHP. Ang Sentro ng Serbisyo ay nagbibigay ng suporta sa aplikasyon at pagpapatala para sa maraming programa sa kalusugan sa SF, tulad ng:
- Medi-Cal
- Covered California
- CalFresh
Alamin pa ang tungkol sa pagpapa-appointment nang personal o sa pamamagitan ng telepono sa Sentro ng Serbisyo ng SFHP sa: sfhp.org/service-center o, magpa-appointment sa isang Tagapagtala sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(415) 777–9992
| Pangalan ng Klinika | Para magpa-appointment, tumawag sa: |
|---|---|
| Castro Mission Health Center | 1(628) 217-5700 |
| Chinatown Public Health Center | 1(628) 217-6500 |
| Curry Senior Center | 1(415) 885-2274 |
| Family Health Center | 1(628) 206-5252 |
| HealthRIGHT 360 – Haight Ashbury Integrated Care Center | 1(415) 762-3700 |
| Lyon-Martin Community Health Services | 1(415) 565-7667 |
| Kaiser Permanente | 1(415) 615-4555 |
| Maxine Hall Health Center | 1(628) 217-5400 |
| Mission Neighborhood Health Center – Mission | 1(415) 406-1353 |
| Mission Neighborhood Health Center – Shotwell | 1(415) 552-3870 |
| Mission Neighborhood Resource Center | 1(415) 510-8282 |
| Native American Health Center | 1(415) 621-8051 |
| North East Medical Services – 1520 Stockton | 1(415) 391-9686 |
| North East Medical Services – 2574 San Bruno Ave | 1(415) 391-9686 |
| North East Medical Services – 1033 Clement | 1(415)-391-9686 |
| North East Medical Services – 1450 Noriega | 1(415) 391-9686 |
| North East Medical Services – 3431 Taraval | 1(415) 391-9686 |
| North East Medical Services – 82 Leland | 1(415) 391-9686 |
| Ocean Park Health Center | 1(415) 682-1900 |
| Positive Health Program at Zuckerberg San Francisco General Hospital | 1(628) 206-2400 |
| Potrero Hill Health Center | 1(415) 648-3022 |
| Richard H. Fine People’s Clinic | 1(628) 206-8494 |
| Silver Avenue Family Health Center | 1(628) 754-8000 |
| Sister Mary Philippa Health Center | 1(415) 857-9058 |
| Equity Health - Main | 1(415) 503-6000 |
| Equity Health - Senior | 1(415) 284-2270 |
| Southeast Family Health Center | 1(628) 217-5500 |
| St. Anthony’s Medical Clinic | 1(415) 241-8320 |
| Tom Waddell Urban Health Clinic | 1(415) 355-7400 |
| Young Adult & Teen Health Center | 1(628)206-8376 |
HAKBANG 2: Magkumpleto ng Aplikasyon sa Healthy San Francisco sa iyong appointment sa pagpapatala.
Sa iyong appointment, aalamin ng Sertipikadong Tagatulong sa Aplikasyon (CAA) kung kuwalipikado ka at tutulungan ka niyang mag-apply. DAPAT mong dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento para makumpleto ang iyong aplikasyon. Kung hindi mo dadalhin ang lahat ng iyong dokumento, hindi matatapos ng CAA ang iyong aplikasyon.
Kung kuwalipikado ka, makakatanggap ka ng Sheet ng Buod mula sa CAA na may higit pang impormasyon tungkol sa iyong Medical Home at mga tagubilin sa pag-access ng mga medikal na serbisyo. Kung kuwalipikado ka para sa HSF, bibigyan ka ng iyong CAA ng Gabay sa Susunod na Hakbang. Ang Gabay sa Susunod na Hakbang na ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iyong Medical Home at isasaad nito kung paano kumuha ng mga serbisyo at pangangalaga.
Makakatanggap ka ng ID Card ng Kalahok at ng Handbook ng Kalahok sa koreo sa loob ng 7 hanggang 10 araw ng trabaho. Kung kinakailangan mong magbayad ng Bayarin ng Kalahok makakatanggap ka ng bill sa koreo sa loob ng susunod na buwan.