Reporma sa Pangangalagang Pangkalusugan

Mananatili ang Healthy San Francisco

Mananatiling nakatuon ang San Francisco sa access sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng residente. Sa kabila ng mga pederal at pang-estadong pagbabago, hindi nagbago ang pagtutuon ng DPH sa pagbibigay ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan.

Ang programang Healthy San Francisco ay patuloy na tatakbo para sa mga residente ng San Francisco na edad 18 o mas matanda na may kita na hanggang sa 500% ng federal poverty level na walang insurance at hindi kuwalipikado sa Medi-Cal o Medicare.

Nagtataguyod ang San Francisco ng pagiging inklusibo, pagkakaiba-iba, at respeto sa lahat ng aming pampublikong serbisyo at programa. Patuloy kaming magbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa lahat ng taga-San Francisco na nangangailangan, kahit ano pa ang kanilang katayuan sa imigrasyon o insurance.