Mga Sanggunian sa Pandinig
Hindi sinasaklawan ng Healthy San Francisco ang halaga ng mga hearing aid at mga kaugnay na pangangalaga sa pandinig. Gayunpaman, may mga organisasyon sa Bay area na makakatulong. Karamihan sa mga ito ay nag-aalok ng libre o abot-kayang pangangalagang.
Ang mga halaga at serbisyong iniaalok ay mag-iiba sa bawat lokasyon. Ang halaga ng pangangalaga ay nakabatay sa kita at mga pag-aari ng bawat indibidwal, at mga panuntunan ng lokasyon.
Ang mga kalahok ng HSF na nangangailangan ng pangangalaga sa pandinig ay puwedeng makipag-uganayan sa isa sa mga organisasyong ito para sa suporta: Mga Sanggunian sa Pandinig.
Ang impormasyon sa gabay na ito ay ginawa para maging sanggunian lang. Hindi garantisado ang mga serbisyo. Hindi babayaran o ire-reimburse ng Healthy San Francisco ang halaga ng pangangalaga sa pandinig.